Ilegal dumpsite sa Pier 18 isinara

MANILA, Philippines – Isinara ng mga environmental groups ngayong Huwebes ang ilegal na tambakan ng basura sa Manila Bay bilang unang hakbang para malinis ito.

Nais ng grupong Greenpeace Southeast Asia at EcoWaste Coalition na matigil na ang pagtatambak ng basura sa Pier 18 kaya naman isinara nila ang mooring line.

"It is completely unacceptable that this garbage dump continues to operate with impunity when it blatantly violates Philippine laws,” pahayag ni Aileen Lucero, national coordinator ng EcoWaste Coalition.

Nanawagan ang grupo sa gobyerno at sa pamahalaang lokal ng Maynila na tuluyan na itong isara.

“We are demanding all concerned agencies and local government units, particularly the city of Manila, to follow through and close down Pier 18 as well as all similar dump sites, permanently," dagdag ni Lucero.

Sinabi naman ni Vince Cinches ng Greenpeace Southeast Asia Oceans na ang pagsasara ng ilegal na tambakan ng basura sa Pier 18 ang unang hakbang upang buhayin ang Manila Bay.

Dagdag ng grupo na lumalabag sa batas ang ilegal na dumpsite: Ecological Solid Waste Management Act, the Clean Water Act at ang Clean Air Act maging sa kautusan ng Korte Suprema na mabilisang paglilinis sa Manila Bay.

“Each year, the government spends millions in trying to clean up Manila Bay. But a big part of the problem is illegal waste dumps," sabi ni Lucero.

 

Show comments