Ikatlong opisyal ng Customs nagbitiw

File photo ni Customs Commissioner Ruffy Biazon na una sa tatlong opisyal na nagbitiw sa puwesto matapos kastiguhin ni Pangulong Benigno Aquino III ang ahensya nitong Lunes.

MANILA, Philippines – Isa-isa nang nagbibitiw sa puwesto ang matataas na opisyal ng Bureau of Customs matapos pahiyain ni Pangulong Benigno Aquino III sa ikaapat niyang State of the Nation Address nitong kamakalawa.

Nagpasa na rin ng resignation letter si Customs Deputy Customs Commissioner for Internal Administration Group Juan Lorenzo Tañada sa pinuno ng ahensya na si Commissioner Ruffy Biazon.

"Kasunod po ito ng pahayag ng Pangulo...to give him a free hand," pahayag ni Tañada ngayong Miyerkules. "Kung hindi na siya masaya sa trabahon natin, definitely po tatabi po tayo na gumawa sa trabaho natin."

Aniya isang karangalan ang maging parte ng administrasyong Aquino ngunit kung hindi na masaya sa kanya ang Pangulo ay tatanggapin niya ito.

"Defintiely,  it's been privilege and honor to be part of this administration. If he (President Aquino) is no longer happy sa trabahon natin...susunod tayo," sabi ni Tañada.

Si Tañada na ang ikatlong opisyal ng Customs na nagbitiw sa puwesto matapos kastiguhin ni Aquino ang ahensya nitong Lunes.

Kaninang umaga ay kinumpirma ni Biazon ang paghahain ni Deputy Customs Commissioner Danilo Lim ng resignation letter sa opisina ni Executive Secretary Paquito Ochoa, Jr.

Kaugnay na balita: Pagkatapos ni Biazon, Lim nagbitiw na rin sa Customs

Si Biazon ang unang nagbitiw sa puwesto ilang minuto matapos ang SONA ng Pangulo ngunit hindi ito tinanggap ni Aquino.

Kaugnay na balita: Biazon tinamaan sa banat ni PNoy, nagbitiw sa puwesto

"RUFFY we both know the difficulties in the agency you are trying to reform. My confidence in you remains the same," tugon ni Aquino kay Biazon.

Kaugnay na balita: Biazon binawi ang resignation

 

Show comments