'I can't believe it's my first time here' - LeBron James

Kuha kay LeBron James habang nakikipag-usap sa host ng press conference sa Shangri-La Hotel Makati. (Larawan mula sa Instagram account ni Mika Palileo)

MANILA, Philippines – Napatunayan ni NBA superstar LeBron James na tama ang kanyang coach na si Filipino-American Erik Spoelstra sa mga ikinukwento niya tungkol sa Pilipinas.

"He (Spoelstra) said it's a great country and [Filipino] people are passionate about what they love and what they believe in," ," kuwento ni James sa kanyang press conference sa Shangri-La Hotel Makati.

"I' can't believe it's my first time here. I understand how huge basketball here," dagdag ng Miami Heat forward.

Nagulat ang NBA 4-time MVP sa init ng pagsalubong ng kanyang mga fans.

 â€œThis is very overwhelming, to see all these people excited. I’m looking forward to what today brings,” sabi ni James na kakakuha lamang ng kanyang ikalawang kampeonato nitong Hunyo kontra sa San Antonio Spurs sa Game 7 ng NBA Finals.

Pinakilig naman niya ang kanyang mga Filipino fans nang ipahiwatig niyang hindi ito ang huling beses na bibisita siya sa Pilipinas.

"It's definitely not going to be my last," sabi ni James.

Parte ng kanyang one-day tour ang pagpapakitang gilas niya sa Mall of Asia Arena ngayong hapon kung saan ilang araw pumila ang mga fans upang makakuha ng libreng tiket.

Show comments