^

Balita Ngayon

Drilon bagong Senate President

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tulad ng inaasahan, hinirang ng mga kapwa niya senador si Franklin Drilon bilang presidente ng Senado sa pagbubukas ng 16th Congress ngayong Lunes.

Nakakuha ng  17 boto si Drilon laban kay dating Senate President Juan Ponce Enrile na umani ng anim na boto. Hinirang si Enrile bilang minority leader.

Napili naman si Ralph Recto bilang Senate Pro-Tempore kapalit ni Jinggoy Estrada.

Ininomina ni Senator Francis Escudero si Recto at inayudahan ni Senator Sergio Osmeña III, kapwa kaalyado ni Pangulong Benigno Aquino III.

Ilang buwan bago ang pagbubukas ng 16th Congress ay napipisil na ng mga kapwa senador ni Drilon na siya ang umupo sa puwesto.

Samantala, patuloy ang botohan ng mga miyembro ng House of Representatives para sa speakership.

Lamang sa botohan si incumbent House Speaker Sonny Belmonte. Nominado rin sa naturang posisyon si San Juan City Rep. Ronaldo Zamora.

DRILON

HOUSE OF REPRESENTATIVES

HOUSE SPEAKER SONNY BELMONTE

JINGGOY ESTRADA

PANGULONG BENIGNO AQUINO

RALPH RECTO

RONALDO ZAMORA

SAN JUAN CITY REP

SENATE PRESIDENT JUAN PONCE ENRILE

SENATE PRO-TEMPORE

SENATOR FRANCIS ESCUDERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with