Nars sa gov't facilities kakarampot ang sahod - grupo

MANILA, Philippines – Karamihan ng mga nars sa mga pampublikong ospital ay kakarampot ang kinikita, ayon sa isang sruvey.

Base sa pag-aaral na ginawa ng grupong Nars ng Bayan noong Setyembre 2012 hanggang Marso 2013, nakakatanggap lamang ng P6,000 hanggang P10,000 net pay kada buwan ang mga nars sa pampublikong ospital.

Dagdag ng grupo ng mga community health nurses at health advocates, dapat ay kumikita sila ng P18,000 hanggang P20,000.

Lumabas pa sa pag-aaral na 301 lamang mula sa 801 nars (37.1 porsiyento) ang regular na empleyado, habang ang mga iba ay contractual, trainee, job order, consultant at volunteer.

Nakakatanggap ng P8,000 kada buwan ang mga trainee-nurse habang naglalaro sa P3,000 hanggang P6,000 ang kinikita ng iba.

Nais ng grupo na Nars ng Bayan na ipatupad ng gobyerno kung ano ang nakasaad sa Magna Carta for Public Health Workers ngunit sagot ng gobyerno na wala silang pondo.

Nars ng Bayan vice president Lenny Nolasco said what their group wants is for the government to implement what is mandated under the Magna Carta for Public Health Workers.

 "We have talked to the Department of Health regarding this issue of low salary and lack of security of tenure of government nurses but sadly officials have always reasoned out the lack of funds," sabi ng vice president ng grupo na si Lenny Nolasco.

Napag-alamanan pa sa pag-aaral na 40 porsiyento lamang ng mga benepisyo ang natatanggap ng mga nars tulad ng sick leave, emergency leave, subsistence allowance at maternity leave.

Nag-ikot ang grupo sa 22 probinsya at 83 bayan sa buong bansa maliban sa Region 6, Region 4-B, at Region 12.

 

Show comments