DND bibili ng 2 rescue boats

MANILA, Philippines – Bilang parte ng pagpapaigting ng puwersa, bibili ang Deparment of National Defense (DND) ng dalawang rescue boat, ayon sa kagawaran ngayong Biyernes.

Manggagaling ang P20 milyong pambili ng dalawang 40-talampakang rescue boat mula sa P232 milyon Quick Response Fund ng DND.

Ang pagkuha ng rescue boats ay kasunod ng kanilang pagbili ng walong attack helicopters na nagkakahalaga ng P3.4 bilyon at 12 fighter jets para sa Philippine Air Force.

Nitong Hunyo lamanag ay nagpasubasta ang DND para sa dalawang Strategic Sealift Vessels.

Show comments