Guro itinumba sa Zamboanga

MANILA, Philippines – Utas sa pananambang ang isang guro ng pampublikong paaralan sa Zamboanga City nitong Huwebes ng hapon, ayon sa mga pulis.

Pinangalanan ni Police Chief Inspector Danilo Tendero, pinuno ng station 4 police, ang biktimang si Roderick Sanchez, 38, na nagtuturo sa Lanzones Elementary School.

Base sa inisyal na imbestigasyon, kabababa lamang ni Sanchez sa kanyang motorsiklo upang buksan ang gate ng kanyang bahay nang paputukan siya ng dalawang armadong lalaki na sakay ng motorsiklo bandang 4:46 ng hapon.

Kaagad nasawi ang biktima na tinamaan ng bala sa ulo.

Narekober sa crime scene ang apat na basyo ng bala ng kalibre .45 pistol.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa likod ng pag-atake ngunit hinala nila ay personal ito.

 

Show comments