2 pusher tiklo sa Iligan at Oriental Mindoro

MANILA, Philippines – Arestado ang dalawang hinihinalang tulak ng droga sa magkahiwalay na operasyon sa Iligan City at Oriental Mindoro, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ngayong Miyerkules.

Nakilala ang mga suspek an sina Gilbert Sayson, 48, ng Purok 6, Saray, Iligan City, at Romeo Dimatulac Jr., 46, ng Barangay Paclasan, Pinamalayan, Oriental Mindoro.

Nakumpiska kay Sayson ang 15 pakete ng shabu at P300 marked money na ginamit ng mga awtoridad sa buy-bust operation noong Hulyo 17 bandang ala-una ng hapon.

Samantala, sa kahiwalay na operasyon noong Hulyo 14 nadakip si Dimatulac sa Barangay Paclasan, Pinamalayan, Roxas, Oriental Mindoro.

Nasabat mula kay Dimatulac ang limang pakete ng shabu.

Nahaharap ang dalawang suspek sa kasong pagtutulak ng ilegal na droga.

 

Show comments