^

Balita Ngayon

P1.2M na shabu nakumpiska sa Las Piñas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Timbog ang isang babae matapos mahulihan ng P1.2 milyong halaga ng droga sa buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Las Piñas City.

Sinabi ni PDEA chief Arturo Cacdac Jr. ngayong Martes na nasakote ng mga awtoridad nitong Hulyo 12 si Pejay Madeja, 28, ng Sampaguita Street, Bagong Sibol, South Greenheights, Barangay Putatan, Muntinlupa City.

Nadakip si Madeja matapos pagbentahan ang isang undercover agent ng PDEA bandang 6:30 ng gabi sa loob ng isang kilalang shopping mall sa Las Piñas.

Nabawi mula sa suspek ang 241.4 gramo ng shabu na nakabalot sa brown envelope at bubble wrap at cellphone.

Nasa kustodiya na ng PDEA sa Quezon City si Madeja ba nahaharap sa kasong pagtutulak ng droga.

ARTURO CACDAC JR.

BAGONG SIBOL

BARANGAY PUTATAN

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

LAS PI

MADEJA

MUNTINLUPA CITY

PEJAY MADEJA

QUEZON CITY

SAMPAGUITA STREET

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with