12-araw na hunger strike ng political detainee sa Cebu

MANILA, Philippines – Isang preso na consultant ng National Democratic Front ang nagsasagawa ng 12-araw na hunger strike bilang protesta nito sa kapalpakan umano ni Pangulong Benigno Aquino III na palayain ang mga “political detainees” sa bansa.

Sinabi ni Ramon Patriarca na hindi tinupad ng gobyerno ang kanilang kasunduan ng NDF na pag-aaralan ang kaso at palalayain ang ibang political detainees.

"No review of the court cases of political prisoners was ever conducted.  Instead, the illegal arrest, torture and detention of social activists and suspected revolutionaries were intensified, such that the number of political prisoners nationwide has almost doubled now to more than 400,” sabi ni Patriarca.

“Detained NDF consultants were not released, and their ranks increased, as the Aquino government pursues its counter-revolutionary Oplan Bayanihan with more vigor," dagdag ni Patriarca.

Noong Hulyo 11 sinimulan ni Patriarca ang hunger strike sa loob ng kulungan nito sa AFP Central Command Headquarters sa Camp Lapu-Lapu City sa Cebu.

Matatapos ang protesta nito sa Hulyo 22 kasabay ng ikaapat na State of the Nation Address ni Aquino.

"Halfway through his six-year term, there is no doubt that President Aquino has failed miserably in advancing the cause of a just and lasting peace in the country," ani Patriarca.

 

Show comments