^

Balita Ngayon

'Huaning' napanatili ang lakas, Signal #2 sa Batanes

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Napanatili ng bagyong “Huaning” ang lakas nito habang papalapit sa Batanes at Taiwan, ayon sa state weather bureau ngayong Biyernes.

Base sa alas-11 ng umagang bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), namataan si Huaning sa 410 kilometro hilaga-silangan ng itbayat, Batanes.

May taglay na lakas ang bagyo na 165 kilometers per hour (kph) at bugsong aabot sa 200 kph, habang gumagalaw ito pa-kanluran hilaga-kanluran sa bilis na 20 kph.

Itinaas na ang signal No. 2 sa Batanes Group of Islands kung saan inaasahang aabot sa 61 hanggang 100 kph ang lakas ng hangin, habang signal no. 1 naman sa Calayan at Babuyan Groip of Islands.

Inaasahang nasa 420 km hilaga ng Itbayat, Batanes o sa Hilagang Taiwan ang bagyong Huaning bukas.

Sa 24-oras na weather forecast ng PAGASA, makakaranas ng pag-ulan na may malalakas na hangin ang Batanes Group of Islands.

Magiging maulap naman na may mahina hanggang katamtamang pag-ulan na may pagkulog at pagkidlat sa Mimaropa, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, at Caraga.

 

BABUYAN GROIP OF ISLANDS

BATANES

BATANES GROUP OF ISLANDS

GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

HILAGANG TAIWAN

HUANING

NORTHERN MINDANAO

PHILIPPINE ATMOSPHERIC

WESTERN VISAYAS

ZAMBOANGA PENINSULA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with