Qurino tinamaan ng magnitude-4.0 na lindol

MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude-4.0 na lindol ang probinsya ng Quirino nitong Martes ng gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Naitala ang sentro ng lindol 20 kilometro timog silangan ng Nagtipunan, Quirino bandang 10:48 ng gabi.

May lalim na 21 kilometro ang lindol.

Naramdaman ang lindol sa Intensity 4 sa bayan ng Maddela.

Wala namang inaasahang aftershocks ang Phivolcs.

 

Show comments