MANILA, Philippines – Binalaan ni dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada ang mga tiwaling pulis sa Manila Police District na tapos na ang kanilang maliligayang araw sa kanyang pagnanais na malinis ang ahensya.
Sinabi ni Estrada na ang dating “Manila’s finest†ay ngayo’y “Manila’s worst†na, kaya naman isa sa mga aksyon ng bagong alkalde ang tanggalin ang korapsyon at ibalik ang dating imahe ng MPD.
"The Manila Police Department is used to be called as 'Manila's finest' but now it's 'Manila's worst'," pahayag ni Estrada sa isang panayam sa telebisyon.
Samantala, nilinaw ni Estrada na daraan sa due process ang pagtatanggal niya ng mga tiwaling pulis. Pinabulaanan din ni Estrada ang mga haka-hakang tatanggalin niya ang mga pulis na itinalaga ng dating alkalde na si Alfredo Lim.
Nitong Lunes ay sinibak ni Estrada si Superintendent Alexander Navarette, MPD Station 11 commander, dahil sa pagdami ng mga illegal vendors sa nasasakupan nito.
Inakusahan ni Estrada si Navarette na tumatanggap ng “protection money†mula sa mga illegal vendors sa Tondo na aabot sa P100,000.
Iniutos din ng bagong alkalde ang pagtanggal sa dalawa pang opisyal ng MPD na sina: traffic head Superintendent Rey Nava at Superintendent Ernesto Tendero Jr., hepe ng Moriones police station.
Sinibak si Nava dahil hindi nito nagawang maresolba ang trapiko sa Maynila, habang ang pagkakatanggal kay Tendero ay nag-uat sa mga reklamong nangingikil umano ang opisyal sa mga tindero.
Sa kanyang panunumpa bilang bagong alkalde ng Maynila ay ipinangako ni Erap na lilinisin niya ang lungsod mula sa korapsyon sa MPD at maging sa loob ng city hall.
"I declare an all-out war against corruption and kotong cops," sabi ni Erap.
"I mean business. And I practice what I preach," dagdag ng dating Pangulo na nasakdal sa kasong pandarambong.
Dagdag ni Estrada na ibabalik niya ang dating ganda ng Maynila at papagandahin pa ito, habang tutugisin pa ang iba’t ibang klase ng “pan.â€
“Here in Manila, there are also a lot of ‘pan’ – kidnap-pan, holdup-pan, carnap-pan and lastly kahirap-pan. That is what is happening and we need to rise and restore the city’s former glory,†ani Estrada.