6 tiklo, 3 drug den isinara sa sting ops ng PDEA

MANILA, Philippines – Timbog ang anim na katao sa pagsalakay ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa tatlong drug den sa Iligan City, ayon sa ahensya ngayong Biyernes.

Pinangalanan ni PDEA director general Arturo Cacdac Jr. ang mga suspek na sina Perlita Badelles, 37; Jelyn Golgol, 40; Johny Dimakuta 43; Gamama Hamid, 22; Jamael Sangulina, 25; at Meryl Jay Cañete, 23.

Nasakote ang anim na suspek sa isinagawang buy-bust operation sa  P-5 Barangay Tambacan noong Hulyo 2 bandang alas-2 ng hapon kung saan naisara rin ang tatlong drug den.

Nasamsam sa mga suspek ang dalawang pakete ng shabu at tatlong P100 na ginamit bilang buy-bust money.

Nakita rin sa loob ng drug den ang mga plastic na pakete na may tira-tirang shabu at iba’t ibang drug paraphernalia.

Show comments