Mapayapa, maayos na SONA - Pulis
MANILA, Philippines – Siniguro ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ngayong Huwebes kay Pangulong Benigno Aquino III na magiging mapayapa at maayos ang pang-apat na State of the Nation Address sa Hulyo 22.
Sinabi ni Chief Inspector Kimberly Molitas-Gonzales, tagapagsalita ng NCRPO, inihahanda na nila ang mga security measure para sa SONA ni Aquino, kabilang dito ay ang pag-aaral ng mga kuha sa video ng salpukan ng mga pulis at raliyista.
Dagdag ni Gonzales na nais nilang magkaroon ng plano na mapipigilang tumaas ang tensyon sa labas ng Batasan Pambansa sa Quezon City kung saan ihahayag ni Aquino ang kalagayan ng bansa.
Pinaplansta na rin ng mga awtoridad ang segurida sa Batasan Pambansa complex.
- Latest
- Trending