^

Balita Ngayon

Pantawid Tuition Program isinusulong ni Legarda

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Aabot sa 2.3 milyong magtatapos sa high school ang makakatanggap ng Pantawid Tuition Program ni Sen. Loren Legarda kung ito’y maisasabatas na umaayon sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng gobyerno.

“This will establish a college scholarship program for high school graduates from household beneficiaries of 4Ps who have satisfactorily completed the requirements and conditions set by the Department of Social Welfare and Development,” pahayag ni Legarda.

Dagdag ni Legarda na sa pamamagitan ng Senate Bill 6, o ang panukalang Government Scholarship to Students for University and Technical-Vocational Education Act, ay mabibigyan ng P5,000 ang bawat benipesyaryo sa pagsisimula ng bawat semestre.

"The amount may be increased upon approval of the Commission on Higher Education,” ani Legarda.

Noong nakaraang taon ay umabot sa 2.3 milyong pamilya ang nakatanggap ng pera mula sa 4P ng gobyerno.

Sinabi ni Legarda na magandang paraan ang pagbibigay ng Pantawid Tuition sa mga mahihirap na pamilya upang magkaroon sila ng pagkakataon na mapaganda ang kanilang buhay sa pamamagitan ng edukasyon.

“This will enable families to have a better chance of improving their financial standing by ensuring that at least one family member will graduate from college or from a technical-vocational institution to improve his or her job prospects upon entering the labor market,” dagdag ni Legarda.

AABOT

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

GOVERNMENT SCHOLARSHIP

HIGHER EDUCATION

LEGARDA

LOREN LEGARDA

PANTAWID PAMILYANG PILIPINO PROGRAM

PANTAWID TUITION

PANTAWID TUITION PROGRAM

SENATE BILL

UNIVERSITY AND TECHNICAL-VOCATIONAL EDUCATION ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with