'Iskolar ng bayan' bill inahayin sa Senado
MANILA, Philippines – Naghayin ng panukala si Sen. Alan Cayetano na naglalayong bigyan ng college scholarship ang mga pinakamagaling na estudyante sa bawat klase sa high school.
Ayon sa Senate Bill No. 93 o ang “Iskolar ng Bayan†bill, ang top 10 na estudyante ng high school sa bawat klase ay makakatanggap ng scholarship sa state university o kolehiyo kung saan sila matatanggap.
"By providing more affordable higher education, the government will provide Filipino Families and the youth with better opportunities for gainful employment that will lift them out of poverty," sabi ni Cayetano.
Samantala, nadismaya ang senador sa tumataas na bilang ng mga out-of-school youth sa bansa. Base sa Annual Poverty Indicators Survey, nasa 16 porsiyento ng tinatayang 39 milyong kabataan ang hindi nag-aaral.
Dagdag ni Cayetano na tanging 20 porsiyento lamang ng mga nagtatapos sa high-school ang pumapasok sa kolehiyo.
"Poor Filipino families suffer daily from the tremendously high cost of education. Paying for education is now proving to be impossible for the Filipino family and the government must do everything to change that," ani Cayetano.
- Latest
- Trending