Erap sasalubungin ng protesta sa unang araw bilang Manila Mayor
MANILA, Philippines – Sa kanyang unang araw bilang alkalde ng lungsod ng Maynila, sasalubungin si Joseph Estrada ng isang kilos protesta ng militanteng grupong bayan at iba’t ibang urban poor organization ngayong Lunes sa Manila City Hall.
Inirereklamo ng mga grupo ang plano ni Estrada na tanggalin ang mga street vendor, paalisin ang mga informal settlers at linisin ang mga estero ng lungsod.
Hinamon ng mga grupo si Estrada na magpakatotoo sa kanyang maka-masang pangako nung kumakandidato pa lamang siya.
Inihayag ni Estrada ang kanyang planong linisin ang Maynila sa kanyang inaugural speech kahapon.
Sinisisi ni Estrada ang mga informal settles sa pagbaha sa Maynila, habang ang mga street vendor naman ang itinuturo niyang dahilan ng mabigat na daloy ng trapiko.
Nais ng grupo na personal na makausap ang bagong alkalde upang pag-usapan ang planong demolisyon sa Road 10 sa Tondo na parte ng North Harbor Port Privatization project.
- Latest
- Trending