Bus pinasabugan sa Zamboanga, 5 sugatan

MANILA, Philippines – Limang katao ang sugatan matapos pasabugan ng granada ang isang bus sa Zamboanga City ngayong Lunes.

Nakilala ang mga biktima na sina Orly Villareal, Emil Anitan, Luciano Gelaga, Ombre Hamsirani at Eugene Kristian Lozano na pawang nagtamo ng sugat sa paa.

Sakay ang mga biktima ng bus ng Philippine Fisheries Development Authority nang maghagis ng granada ang isang lalaki sa loob ng sasakyan bandang alas-7 ng umaga sa highway ng Barangay Guiwan.

Inaalam pa rin ng mga awtoridad ang motibo sa pag-atake.

 

Show comments