2013 polls 99.97% accurate base sa random manual audit

MANILA, Philippines – Lumabas sa random manual audit (RMA) ng Commission on Elections (Comelec) na 99.9 percent accurate ang eleksyon noong Mayo, ayon sa ahensya ngayong Biyernes.

Sinabi ng Comelec na may 99.9747-percent accuracy rate ang automated polls at ibig sabihin nito ay napakaliit lamang ng pagkakaiba ng resulta sa PCOS machines at sa manu-manong bilangan.

Dagdag ng Comelec na mas mataas ito kumpara sa 99.6 accuracy rate noong 2010 nang gamitin sa unang pagkakataon ang PCOS machines.

Nakapagtala ng 99.9775-percent accuracy rate ang botohan sa pagka-senador, , 99.9748-percent sa pagka-kongresista, at 99.9748-percent sa pagkaalkalde.

Tanging ang Autonomous Region in Muslim Mindanao lamang ang nakapagtala ng 100 percent accuracy rate sa senatorial race.

Ngunit kahit mataas ay bigo pa rin maabot ng Comelec ang 99.995-percent accuracy rate sangayon sa batas.

Samantala, sinabi naman ni Henrietta De Villa, RMA committee chair, halos imposibleng maging parehong-pareho ang resulta ng RMA at bilang ng PCOS machines.

"Imposible, kasi sa manual count, you have the human appreciation and human error to contend with," paliwanag ni De Villa. "Para sa amin nga, any decimal... na um-increase ang nearness to the [required] PCOS accuracy is already like striking goal."

Sinabi ni Comelec Chair Sixto Brillantes na pinatunayan lamang ng resulta ng RMA na “success” ang katatapos lamang na eleksyon.

"[T]he elections of the 2013 must, at least, be categorized as successful," ani Brillantes. “When we go to the next elections, siguro po, hindi na 99.9 (percent), kundi 99.99995," the poll chief said.

Naniniwala si Brillantes na kahit naging maganda ang resulta ng RMA ay hindi pa rin sila mawawalan ng kritiko.

 "The critics will always look for the negatives... They will remain as critics for the next hundred years, probably," dagdag ni Brillantes. "They will always criticize everything and look for the faults and the negatives despite of the 99.9 (percent accuracy). I think they wil still look for the .02 or .01."

Aniya patuloy pa rin ang pagre-review ng source code ng PCOS machines.

 

 

Show comments