MANILA, Philippines –Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ngayong Biyernes na may mosquito-borne viral disease outbreak sa Patnongon, Antique.
Sinabi ni DOH Assistant Secretary Eric Tayag sa kanyang Twitter account na may 313 kaso ng “chikungunya†sa lugar mula noong Abril.
Dagdag ni Tayag na wala namang naiulat na nasawi dahil sa sakit.
#DOH confirms #chikungunya outbreak in Patnongon, Antique w/ 313 cases No deaths Started in April Mosquito larvae found in bamboo fences
— Doc Eric Tayag (@erictayagSays) June 28, 2013
Ayon sa website ng World Health Organization (WHO), isang viral disease ang chikungunya na ikinakalat ng lamok. Ilan sa mga sintomas nito ang lagnat, pananakit ng mga kasukasuan at kalamnan, sakit ng ulo, pagkahilo, pagkapagod at pangangati.
"The disease shares some clinical signs with dengue, and can be misdiagnosed in areas where dengue is common," sabi ng WHO sa kanilang website.
Sinabi ni Tayag na halos parehas ang sintomas ng dengue at chikungunya pero sa kalaunan ay maaaring mauwi sa pagdurugo, organ failure ang dengue.
"There is no known cure for #chikungunya but unlike dengue it is rarely fatal Diagnosis requires blood tests Joint pains may last for years," ani Tayag sa kanyang Twitter account.
Tulad ng dengue ay naililipat ng lamok ang sakit sa pamamagitan ng pagkagat nito.
Sinabi pa ni Tayag na tuwing tag-ulan ay marami rin ang kaso ng chikungunya.
"[C]hikungunya outbreaks in [Philippines] coincide with dengue season during the rainy months. Areas with known dengue risk is also at risk for [chikungunya]," dagdag ni Tayag.