DDB chair sinisisi ang 'stem-cell' therapy sa panghihina
MANILA, Philippines – Naniniwala si Dangerous Drugs Board Chairman Antonio Villar na walang naitulong sa kanya ang “stem-cell therapy†bagkus ay pinahina pa siya nito.
Inamin ni Villar na nagbayad siya ng EU15,000 o P846,000 upang sumailalim sa isang stem-cell procedure ng isang Aleman na doktor sa Thailand.
"Pagkatapos nun, ang lakas ng loob ko, naniniwala ako na (lumakas) ako. Naglakad ako sabay sumakit ang paa ko. Lalong lumala, sabi ko, medyo nanghina ako. Dati nakakalakad ako ng malayu-layo," sabi ni Villar sa isang panayam sa radyo ngayong Huwebes.
Ikinuwento ni Villar na pati ang asawa niyang may diabetes ay hindi naman nagamot ng stem-cell therapy.
"Si misis diabetic kasi. (Ngayon) halu-halo na ang tinutusok na gamot. Hindi rin nawala 'yung diabetes. Ako pa ang sinisisi," dagdag ni Villar.
"Kasi nababalitaan ko na maganda itong stem cell. E ako'y madalas na nanghihina sa buto ko, siguro nanghihina 'yung mga buto ko at medyo mahina 'yung katawan ko kaya sinubukan ko 'to," sabi pa ng DDB chairman.
Nauna nang inihayag ng Philippine Medical Association (PMA) na iimbestigahan nila ang pagkamatay ng tatlong politiko na sumailalim umano sa stem-cell therapy. Nakilala ang dalawa na sina Bohol Rep. Enrico Aumentado at Camiguin Rep. Pedro Romualdo.
Kaugnay na balita:'Stem cell therapy' pumatay umano sa 3 politiko - PMA
- Latest
- Trending