MANILA, Philippines – Pumayag na ang mga kamag-anak ng 14 na biktima ng Maguindanao massacre na makipagkasundo sa mga miyembro ng pamilya Ampatuan na sangkot sa karumaldumal na krimen, ayon sa abogadong si Harry Roque ngayong Lunes.
Sinabi ni Roque na lumagda sa isang written authority nitong Pebrero ang kamag-anak ng 14 na biktima para sa isang “close associate of the Ampatuans†upang magkasundo ang dalawang panig.
"Under this scheme, the victims were to sign not just a waiver and quitclaim, but also an affidavit pinning the blame for the massacre to Governor Toto Mangundadatu," sabi ni Roque na siyang namumuno sa Center for International Law na kumakatawan sa 14 na biktima.
Dahil dito ay dumulog sila sa United Nations Human Rights Committee upang mapilitan na ang pamahalaan ng Pilipinas na bigyan ng kompensasyon ang mga naiwan ng mga biktima ng masaker.
“Unless the Philippine government complies with its duty to pay compensation, the victims will continuously be tempted with schemes that may eventually cause a miscarriage of justice," dagdag ni Roque.
May 58 katao ang nasawi, 31 sa mga ito mga mamamahayag, sa masaker na naganap noong Nobyembre 2009, kung saan pangunahing suspek sina dating Maguindanao governor Andam Amptuan Sr. at anak niyang si dating Datu Unsay mayor Andal Ampatuan Jr.
Kasama sa mga nasawi ang asawa at mga kapatid ni Mangudadatu na maghayayin lamang sana ng kanyang certificate of candidacy.
"Thus far, it’s been almost 4 years and there is still no end in sight to the criminal prosecution of the Ampatuans," sabi ni Roque.
Dagdag ni Roque na halos umabot ng apat na taon bago makilala ang pang-58 na biktima na si Reynaldo Momay.
"This should give us a clue on how long the criminal proceedings will take,†dagdag ng abogado.