^

Balita Ngayon

'Stem cell therapy' pumatay umano sa 3 politiko - PMA

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Iimbestigahan ng Philippine Medical Association (PMA) ang pagkamatay ng tatlong politiko na hinihinalang dahil sa stem-cell therapy.

Sinabi ni PMA president Leo Olarte sa isang panayam sa radyo na sumailalim sa stem-cell treatment sa Germany ang tatlong “high-ranking” government officials isang taon bago sila mamatay.

Ayaw pangalanan ng PMA ang tatlong politiko.

"Complications [from the therapy] occurred when they returned [to Manila]. They developed a late hypersensitivity graft-host reaction. They died here in the Philippines," pahayag  ni Olarte.

Paliwanag ni Olarte na ginamit sa kanilang operasyon ang stem cell mula sa tupa, kuneho at pati sa embryonic cells ng fetus o ipinalaglag na bata.

Aminado si Olarte na hindi naging madali ang kanilang imbestigasyon dahil umiiwas ang mga kamag-anak ng mga politiko na magbigay ng mga detalye.

Hindi tulad sa Pilipinas, maaaring gumamit ng stem cell ang Germany mula sa buwaya, tupa, baboy, baka, at kuneho na komplikado at delikado, ayon sa pinuno ng PMA.

Aniya dito sa Pilipinas ay pawang mga lisensyadong doktor lamang ang nagsasagawa ng stem cell therapy at tanging stem cell lamang mula sa human tissue ang ginagamit.

AMINADO

ANIYA

AYAW

CELL

IIMBESTIGAHAN

LEO OLARTE

OLARTE

PALIWANAG

PHILIPPINE MEDICAL ASSOCIATION

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with