Pagbaha sa Metro Manila 'wag isisi sa amin' - DPWH
MANILA, Philippines – Ipinagtanggol ni Public Works and Highways Secretary Rogelio Singson ang kagawaran at pinakiusapan ang publiko na huwag silang sisihin dahil sa naganap na biglaang pagbaha sa maraming bahagi ng Metro Manila dahil sa ulan.
"Yung nangyayaring isolated flooding eh 'wag niyo naman sanang isisi sa amin, [tulad] 'yung baha sa Espana (in Manila). Taun-taon naman, nagbabaha 'yan. Alam naman nating kapag umulan, baha yang Espana," sabi ni Singson sa isang televised press briefing ngayong Miyerkules.
Dagdag niya na may ibang lugar sa Metro Manila na may kaparehong problema ngunit nabibigyan naman ng solusyon.
Aniya, dulot ng ilang taong pagpapabaya ang mga pagbahang nagaganap sa Metro Manila.
Sinabi ni Singson na sa administrasyon ni Pangulong Aquino, mayroon nang isang flood control master plan at naaprubahan na itong noon pang nakaraang taon.
Aniya, layunin nito na solusyunan ang tatlong pangunahing sanhi ng pagbaha sa Metro Manila: ang pagdausdos ng tubig mula sa kabundukan ng Sierra Madre, mga baradong kanaal sa mga core areas sa buong Kamaynilaan, at ang pagkakaroon ng low-lying communities sa Manila Bay at Laguna Lake.
Nilinaw naman ni Singson na sa taong 2035 pa lubos na mararamdaman ang resulta ng naturang plano, pero sinigurado niyang inuuna na nila ang mga “high priority†projects upang maibsan ang nararanasang mga pagbaha tuwing tag-ulan.
"Kapag natapos (priority projects) na eh talagang malaking ginhawa na dito sa NCR," sabi ni Singson na binanggit din na may 90 ongoing drainage improvement projects sa Metro Manila at 12 major pumping stations ang isinasaayos.
Sinabi ng pinuno ng DPWH na walong pangunahing daanan ng tubig ang kailangang malinis kung saan 20,000 informal settlers ang maaapektuhan.
Sinabi naman ni Metropolitan Manila Development Authority Chairman Francis Tolentino na umaabot sa 405 trak ng basura ang kanilang nakukuha bawat buwan mula sa walong pangunahing daanan ng tubig.
Nakiusap si Singson sa publiko na intindihin na hindi kaagad-agad marararamdaman ang epekto ng kabialgn mga proyekto.
"The funding is not an issue. We just need time to be able to implement all of these major projects that we are undertaking," sabi ni Singson.
"Yung pag-implement ng master plan should not be seen... as an immediate overnight outcome. Rather, it should be seen and felt as a process," dagdag naman ni Tolentino.
- Latest
- Trending