^

Balita Ngayon

Heat sinagip ni Ray Allen sa Game 6

AJ Bolando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Iniligtas ng beteranong si Ray Allen ang defending champion Miami Heat para takasan ang matinik na San Antonio Spurs, 103-100, sa overtime ng game six ng NBA Finals sa American Airlines Arena.

Sinelyuhan ni Allen ang panalo sa kanyang dalawang free throws na may 1.9 segundong nalalabi upang maitabla ang serye sa 3-3 at madala ito sa winner-take-all game seven.

Nagtala lamang ng siyam na puntos si Allen, kabilang dito ang krusyal niyang three points sa 5.2 ticks ng fourth quarter, upang dalhin ang laban sa overtime, 95-95.

Tinrangkuhan ni four-time MVP LeBron James ang Heat gamit ang triple-double performance na 32 points , 10 boards, at 11 assists, habang bumakas pa sina Mario Chalmers at Dwyane Wade ng pinagsamang 34 markers.

Maghaharap sa huling pagkakataon ang Heat at Spurs sa Biyernes kung saan malalaman kung makukuha ba ng Miami ang ikatlong titulo o aangkinin ito ng San Antonio para sa panlima nilang korona.

AMERICAN AIRLINES ARENA

BIYERNES

DWYANE WADE

INILIGTAS

MAGHAHARAP

MARIO CHALMERS

MIAMI HEAT

RAY ALLEN

SAN ANTONIO

SAN ANTONIO SPURS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with