^

Balita Ngayon

Korte natatambakan ng 1 milyong kaso kada taon - NCSB

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hirap ang mga mababang hukuman na bawasan ang nakatambak na lagpas isang milyong kaso kada taon, ayon sa National Statistical Coordination Board (NSCB) ngayong Biyernes.

Sinabi ni NSCB Secretary General Jose Ramon Albert na mula noong 2005 hanggang 2010 ay naiipunan ng kaso ang mabababang korte na may bilang na 1,059,484 kada taon, may katumbas na 4,221 na kaso bawat araw.

Aniya padagdag nang padagdag ang mga hindi nareresolbang kaso sa mabababang korte kada taon mula nang magtala ng low annual disposition rate mula 2005 hanggang 2010.

Isinawalat ni Albert na habang bumababa ang bilang ng pumapasok na mga kaso sa mabababang korte mula 457,146 noong 2005 na naging 385,067, nitong 2012 ay bumaba rin naman ang bilang ng mga nareresolbang kaso mula 487,605 noong 2005 na naging 382,957 ng nakaraang taon.

"I wonder if this suggests that lawyers are prolonging the trial process, or that judges are taking too long to make judgments, or that judges just have too many cases to resolve, or all of the above," sabi ni Albert sa pinakabagong isyu ng Beyond the Numbers.

 Mayroong dumarating na santambak na kaso sa mabababang korte kada taon kung saan kailangan ng hukom na humawak ng 644 na kaso o makaresolba ng tatlong kaso kada araw.

Sinabi pa ng NSCB na bumababa rin ang bilang ng mga hukom mula sa 1,710 noong 2007 na naging 1,647 noong 2009.

Pagresolba sa mga barangay malaking tulong

 Isang malaking tulong upang hindi na dumagdag pa sa milyung-milyong kaso sa korte ang pagreresolba sa barangay, ayon kay Albert.

Pero kahit na nakakatulong ang sinasabing pagreresolba sa barangay ay hindi pa rin nito puwedeng ayusin ang mga kasong tulad ng homicide at murder.

Noong 2011 ay 355,345 na gusot ang kanilang naayos mula sa 461,834 (76 porsiyento ).

Halos 65 porsiyento ng kaso ang naayos sa pamamagitan ng negosasyon, 20 porsiyento sa pagkakasundo at apat na porsiyento sa arbitration kung saan may pumapagitna upang maresolba.

ANIYA

BEYOND THE NUMBERS

BIYERNES

KASO

MULA

NATIONAL STATISTICAL COORDINATION BOARD

SECRETARY GENERAL JOSE RAMON ALBERT

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with