3.704 katao lumabag sa Comelec gun ban
MANILA, Philippines - Umabot sa 3,704 katao ang nahuling lumabag sa gun ban ng Commission on Elections, na natapos na nitong Miyerkules ng hatinggabi, ayon sa Philippine National Police.
Ayon sa PNP, sa loob ng 150-araw ay nakakuha sila ng 3,596 na iba't ibang armas, 1,082 bladed weapons, 758 explosive device at higit 30,000 iba't ibang bala.
Naghayin din ang PNP ng 2,441 na kasong kriminal laban sa mga nahuling lumabag sa gun ban.
"It is a strong conviction of the PNP that the best deterrence to the commission of crime is the certainty of prosecution of these arrested gun ban offender," sabi ni PNP Chief Director General Alan Purisima.
Aniya magpapatuloy pa rin ang mga kampanya laban sa krimen ng pulisya tulad ng Oplan Bakal, Oplan Katok, checkpoint at on-the-spot gun check operations kahit na tapos na ang gun ban.
- Latest
- Trending