^

Balita Ngayon

'ABCD' gawin vs HIV, AIDS - DOH

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinihimok ng regional office ng Department of Health (DOH) sa  Soccsksargen na gawin ang "ABCD" upang maiwasan ang mga sexually-transmitted disease (STD), partikular ang HIV at AIDS.

Sinabi ni Jenny Ventura, tagapagsalita ng regional DOH office, ang pagpigil sa pagkalat ng HIV at AIDS ay hindi kayang gawin ng gobyerno nang walang tulong galing sa publiko.

Aniya, naghahanap na sila ng paraan kung paano makukumbinsi ang mga residente ng Cotabato City upang tulungan sila na pigilan ang pagkalat ng STDs sa siyudad at buong rehiyon.

Nauna nang inihyag ng regional DOH office na walong residente ng Cotabato City ang nagpositibo sa HIV.

“Letter A is for `abstention’ from sex, especially for the younger ones if they aren’t sure of the health of their partners," sabi ni Ventura.

Dagdag niya na ang Letrang B ay para sa "Be Faithful” sa kapareha, :Ltrang C ay para sa paggamit ng "Condom", at letrang D ay "Drug Use" prevention.

"These are very effective anti-HIV measures,” pahayag ni Ventura.

Aniya, napatunayan na ng mga pag-aaral na ang paggamit ng condom ay nakakapagpababa ng tsansa na kumalat ang STDs.

Samantalam, sinabi ni Ventura na maaaring humingi ng tulong ang may mga STD sa DOH.

“Confidentiality shall be observed in the department’s dealings with people afflicted with HIV or those who already have Acquired Immunodeficiency Syndrome or AIDS,” sabi ni Ventura.

ACQUIRED IMMUNODEFICIENCY SYNDROME

ANIYA

BE FAITHFUL

COTABATO CITY

DEPARTMENT OF HEALTH

DRUG USE

JENNY VENTURA

VENTURA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with