^

Balita Ngayon

2,000 kabataan sa Maguindanao nakakuha ng scholarship

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Higit 2,000 kabataan mula sa mahihirap na pamilya sa 36 bayan sa Maguindanao ang makakatanggap ng scholarship mula sa Maguindanao Program on Educational Assistance and Community Empowerment (MagPEACE).

Sinabi ni provincial budget officer Lynette Estandarte, coordinator ng MagPEACE, na 2,061 na kabataan ang kanilang idinagdag sa magiging benipesyaryo ng proyekto upang umakyat ang kabuuang bilang ng mga scholar sa 3,546.

Mayroong 1,503 na student-beneficiaries ang MAGPeace noong nakaraang dalawang taon kung saan sinala sila ng mga local education officials at pinuno ng mga komunidad.

Ang 3,546 na MAGPeace scholars ay naka-enroll na sa iba't ibang paaralan sa lungsod ng Cotabato at Tacurong at sa ilang probinsya ng Maguindanao at University of Southern Mindanaosa Kabacan, North Cotabato.

“The Magudadatu administration is aware that one way of building lasting peace in Maguindanao and surrounding provinces is to have educated people in the local communities,” sabi ni Estandarte.

Sinabi naman ni Re-elected Upi Mayor Ramon Piang, na miyembro rin ng usaping pangkapayapaan ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front, na isa ang edukasyon sa mga mahahalagang strategic infrastructures at socio-economic programs upang mapabilis ang pagtamas ng kapayapaan sa mga komunidad ng Moro sa katimugang bahagi ng Mindanao.

“Educate children now, have an educated nation soon. That is the  motivation why we in the local government units in the province supports the MagPEACE program,” ani Piang.

Samantala, binanggit din ni Piang na nakakatanggap ng "livelihood interventions" ang mga magulang ng MagPeace scholars mula sa gobyerno.

Ang mga magulang ng mga scholar sa Upi at iba pang bayan ay nakakatanggal ng tulong pang-agrikultura mula sa panlalawigang gobyerno tulad ng binhi ng rubber tree at oil palm seedlings at mga hayop na kailangan sa pagsasaka.

 

EDUCATIONAL ASSISTANCE AND COMMUNITY EMPOWERMENT

LYNETTE ESTANDARTE

MAGUINDANAO

MAGUINDANAO PROGRAM

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

NORTH COTABATO

PIANG

SINABI

UNIVERSITY OF SOUTHERN MINDANAOSA KABACAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with