Petisyon ni Marantan ibinasura ng SC
June 10, 2013 | 2:32pm
MANILA, Philippines – Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon ng isang pulis na ipatigil ang imbestigasyon ng Department of Investigation (DOJ) hinggil sa insidente sa Atimonan, Quezon noong Enero kung saan 13 katao ang nasawi.
Hindi naglabas ng temporary restraining order ang 3rd Division ng mataas na hukuman kontra sa DOJ at ipinatigil din nila ang imbestigasyon sa multiple murder na kaso kay Superintendent Hansel Marantan.
Sa halip ay inutusan ng Korte Suprema na maghayin ng komento ang kagawaran tungkol sa petisyon ni Marantan sa loob ng 10 araw.
Hiniling ni Marantan sa mataas na hukuman na ipatigil nito ang imbestigasyon ng DOJ kontra sa kanyang kinalaman sa Atimonan shootout.
Sa kanyang petisyon ay pinabulaanan ni Marantan ang inisyal na resulta ng imbestigasyon ng DOJ kung saan sinabi ng kagawaran na walang nangyaring palitan ng putok mula sa pagitan ng mga awtoridad at grupo ng jueteng kingpin na si Vic Siman na nasawi rin sa insidente.
"Hon. Leila De Lima, the Secretary of the Dept. of Justice and who has control and supervision over the respondent Panel of Prosecutors, had already declared, thus, prejudged, that the Atimonan encounter was 'definitely no shootout,' while the sole agency tasked to conduct the investigation of the incident had yet to conclude its task, and worse, even before all those involved had yet to submit their affidavits," sabi ni Marantan.
Noong Enero 6 ay pinamunuan ni Marantan ang grupo ng mga pulis at sundali kontra sa mga pinaghihinalaang personalidad.
Natapos ang operasyon sa pagkasawi ng 13 katao kabilang si Siman at ilang ga pulis at sundalo.
Bukod kay Marantan ay kinasuhan din si dating Calabarzon regional chief James Melad ng multiple murder habang murder naman ang ikinaso sa 12 pang pulis na kabilang sa operasyon.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest