MANILA, Philippines – Sinisisi ng mga mangingisda at magtatahong sa Bacoor, Cavite ang malawakang reclamation project sa Manila Bay sa pagbaba ng kanilang huli, ayon sa militanteng grupo ngayong Miyerkules.
Sinabi ni Myrna Candinato, pinuno ng Pamalakaya fisherfolk group na kaakibat ng Alyansa ng Mandaragat ng Bacoor, Cavite, na nagdulot ng "environmental destruction" ang kontrobersyal na Cavite Expressway (Cavitex) Road Extension project sa Bacoor Bay.
Dagdag ni Candinato na bago ang reclamation project ay nakakaani sila ng 200 galon ng tahong bawat araw.
Aniya kumikita siya ng P30 kada galon ng tahong bawat araw at ang pag-aani ay tatagal ng isang linggo. Umaabot sa P30,000 ang kanilang kinikita bawat panahon ng ani.
Sinabi ni Candidato na ngayon ay nakakakuha lamang sila ng 30 hanggang 50 galon ng tahong kada araw at bumaba ito ng 75 porsiyento kumpara noong hindi pa isinasagawa ang reclamation project.
"If these reclamation projects will not be stopped by President Benigno Aquino III, the struggling tahong industry will be dead in the next few years," pahayag ni Candinato said.
Sinabi ni Pamalakaya vice chairperson Salvador France na apektado ng reclamation project ang kabuhayan ng mga tao at nasisira nito ang marine environment.
Dagdag ni France na kung matutuloy ang P14 bilyong Manila Bay reclamation project sa Las Pinas at Paranaque ay papatayin nito ang kabuhayan ng mga maliliit na mangingisda at magtatahong sa Bacoor, Las Piñas, Parañaque gayun din sa Navotas, Malabon sa Camanava area at probinsya ng Bulacan.