MANILA, Philippines – Niyanig ng 4.6 magnitude na lindol ang Eastern Samar at mga karatig na lugar ngayong Miyerkules ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa Phivolcs, ang sentro ng lindol ay nasa walong kilometro hilagang silangan ng bayan ng Llorente. Naganap ang lindol bandang 6:30 ng umaga.
Naramdaman ang lindol sa Intesity 4 sa Llorente, Intensity 3 naman sa bayan ng Borongan at Intensity 2 sa bayan ng Mercedes, Oras, Dolores, San Policarpio at lungsod ng Taloan at probinsya ng Leyte.
Intensity 1 naman naramdaman ang lindol sa Palo, Leyte.
Nasundan ang lindol ng mild tremor kaninang 8:20 ng umaga sa bayan ng Mapanas, Northern Samar.
Inaasahan ng Phivolcs na magkakaroon ng aftershocks ang dalawang lindol.