Phivolcs: Mas malakas na lindol sa NCotabato hindi totoo
MANILA, Philippines – Pinabulaanan ng mga lokal na tauhan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ngayong Martes ang mga haka-hakang kumakalat sa text na may darating pang mas malakas na lindol sa North Cotabato kasunod nang pagkakatuklas sa isang "underground" volcano sa bayan ng Carmen.
Nasa ilalim na ng state of calamity ang 28 barangay ng Carmen matapos ang 5.7 magnitude na lindol nitong Sabado ng gabi kung saan naapektuhan ang mga gusali ng paaralan, higit sa 150 kabahayan at dalawang tulay sa lugar.
Sinabi ni Engineer Renier Amilbahar, hepe ng Phivolcs North Cotabato,sa publiko na huwag paniwalaan ang mga kumakalat na text.
“What we should be prepared for is possible aftershocks,†sabi ni Amilbahar.
Nakapagtala na ng 138 na aftershocks Phivolcs sa North Cotabagto at matapos ang lindol noong Sabado.
Sinabi pa ni Amilhabar na tectonic ang pinagmulan ng insidente at natagpuan ang epicenter namalapit sa Carmen.
“We should not circulate text messages meant to cause panic among people. It will not do us any good,†payo ni Amilbahar sa publiko.
Pinaalalahan din ng Phicvolcs ang mga residente sa lungsod ng Kidapawan na malapit sa Carmen, na tanging ang kanilang pahayag lamang ang paniwalaan.
Sinabi ng lokal na opisyal ng Carmen na umabot sa 140 pamilya ang naapektuhan matapos ang lindol nitong Sabado.
- Latest
- Trending