^

Balita Ngayon

Cebu Pacific may hanggang 3 p.m. para alisin ang nabalahurang eroplano

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Binigyan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang Cebu Pacific ng hanggang alas-3 ng hapon upang tanggalin ang eroplanong sumadsad sa runway ng Davao International Airport.
 
Sinabi ni CAAP Director- General William Hotchkiss III sa isang televised press briefing na ang Cebu Pacific ang may obligasyon sa pagtanggal ng Airbus A320-200 sa runway dahil sakanila ito.
 
Dagdag ni Hotchkiss na saka pa lamang sila mangingialam kapag hindi kaya ng Cebu Paficic na tanggalin ang eroplano.
 
Samantala, sinabi ni CAAP Deputy Director General John Andrews na kung ang CAAP ang magtatanggal ng eroplano ay itatabi lamang nila ito upang bumalik lamang sa normal ang operasyon ng airport.
 
Sinabi ng ahensya na aabutin ng tatlong oras ang pagtatanggal ng eroplano sa runway.
 
Sa naunang panayam sa telebisyon ngayong Martes, sinabi ni Andrew na nais ng CAAP na sila na ang magtanggal ng eroplano ngunit kailangan ito ng abiso ng Cebu Pacific.
 
"There is a law that says you must have the consent of the owner to move the aircraft. Until this law is repealed, removed, we will not have the right to remove the aircraft," sabi ni Andrews.

BINIGYAN

CEBU PACIFIC

CEBU PAFICIC

CIVIL AVIATION AUTHORITY OF THE PHILIPPINES

DAGDAG

DAVAO INTERNATIONAL AIRPORT

DEPUTY DIRECTOR GENERAL JOHN ANDREWS

GENERAL WILLIAM HOTCHKISS

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with