PAGASA: Hindi pa tag-ulan

MANILA, Philippines – Kahit inuulan na ang Pilinas nitong mga nakalipas na araw, nilinaw ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Biyernes na hindi pa tag-ulan.

Sinabi ni weather forecaster Fernando Cada na hindi pa maideklara ang tag-ulan dahil hindi pa umuulan ng limang magkakasunod na araw , isa sa basehan upang masabing tapos na ang tag-init.

"The country's 'Habagat' or southwest monsoon is not yet as strong, that is why we have not yet announced the onset of the rainy season," pahayag ni Cada sa isang panayam sa radyo.

Bukod sa limang magkakasunod na araw na umuulan, isinasaalang-alang ng PAGASA ang dami ng buhos ng ulan na dapat ay umabot sa 25 millimeters bago magdelarang tapos na ang panahon ng tag-init.

"Our western section almost hit the criteria but [rains] are not as successive as Habagat is not yet fully enhanced," paliwanag ni Cada.

Ipinakita rin ng Project NOAH ng Department of Science and Technology na hindi pa lumalampas sa 30 millimeters ang buhos ng ulan.

Show comments