Search and retrieval sa 4 na bata sa Rizal naantala
MANILA, Philippines – Naantala ang search and retrieval operations para sa apat na batang nabaon sa landslide sa bayan ng Kabasalan sa Zamboanga Sibugay dahil sa matinding buhos ng ulan, ayon sa pulisya ngayong Biyernes.
Nalibing ng buhay ang apat na bata na sina Fatima Orong Maghanoy, 12, kapatid nitong si Eugene, 9, at mga pinsan niyang sina Sherlyn Mae Maghanoy, 7, at tatlong-taong-gulang na si Eziquel Meziah nitong Huwebes matapos ang isang matinding landslide sa Purok 4, Barangay Sayao.
Sumilong ang apat na biktima sa isang abandonadong bahay dahil sa malakas na buhos ng ulan, ngunit napasama pa ito nang matabunan ito ng gumuhong lupa.
Sinabi ni Romina na nakarinig ng dumagundong na tunog ang magulang ng mga biktima bago bumagsak ang lupa na inararo ang mga puno ng niyog at kawayan.
Ayon naman kay Chief Inspector Ariel Huesca, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO), itinuloy ng pinagsamang puwersa ng pulis, military, at
mga opisyal ng barangay ang paghahanap sa katawan ng apat na biktima nitong Huwebes ngunit hindi naantala ito dahil hindi makadaan ang
malalaking mechanical equipment sa landslide area dahil sa lakas ng ulan.
Kinumpirma ni Romina na itinuloy ang paghahanap sa mga biktima ngayong Biyernes ngunit bigo pa rin silang matunton ang mga ito.
- Latest
- Trending