^

Balita Ngayon

Kaso ng HIV sa Baguio tumataas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tumaas ang bilang ng mga kaso ng HIV sa Baguio City, ayon sa local health office sa siyudad ngayong Biyernes.

Sinabi ni Dr. Ma. Lorena Santos, chairwoman ng Baguio General Hospital and Medical Center's HIV and AIDS Core Team, umabot na sa 72 ang mga kaso ng HIV na naitalaga mula 2006 hanggang Mayo ngayong taon.

Ayon kay Santos, ang pinakabata sa 72 pasyente ay 19-anyos at ang pinakamatanda ay 56-anyos, habang 51 sa mga pasyente ay lalaki at 21 ang babae.

Sa 51 lalaki, 40 dito ay homosexual, walo ang heterosexual at tatlong bisexual, habang sa 21 babae ay 14 dito ang heterosexual at isang bisexual.

Dalawampu’t walong pasyente ay tubo ng Baguio, limang taga Maynila at Benguet, at tig-isa galling sa Abra, Pampanga, Isabela.

Sinabi pa ni Santos na karamihan sa may HIV ay pawang mga propesyonal.

Nakapagtala ng tig-tatlong kaso ng HIV ang ospital noong 2006 at 2007. Dumoble ang bilang nito noong 2008 at 2009 at lima namang pasyente ang naitala noong 2010.

Noong 2011, umabot na sa 16 ang kaso ng HIV at nadagdagan pa ng 17 nitong 2012.

Samantala, sinabi ni Santos na magandang balita ang pagtaas ng bilang ng mga pasyente ng HIV sa kanilang lungsod dahil ibig sabihin nito ay bukas
na ang mga tao na ipaalam ang kanilang kondisyon.

Dagdag ni Santos na mas madali para sa kanila ngayon na makipag-usap at mapayuhan ang mga may HIV upang matulungan ito gamit ang mga benepisyo na ibinibigay ng gobyerno.

Hinihimok ng Department of Health ang mga may sakit na kumonsulta sa doktor o tumungo sa mga pampublikong ospital kung saan sila makakakuha ng libreng gamot, laboratory tests, at iba pang libreng serbisyo para sa mga biktima ng HIV.

ABRA

BAGUIO CITY

BAGUIO GENERAL HOSPITAL AND MEDICAL CENTER

CORE TEAM

DEPARTMENT OF HEALTH

DR. MA

HIV

LORENA SANTOS

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with