^

Balita Ngayon

Koreanong tulak tiklo sa Malate

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naaresto na sa Maynila nitong Martes ang isang Koreano na ipinaghahanap sa South Korea dahil sa pagtutulak ng droga, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ngayong Biyernes.

Sinabi ni PDEA director general Arturo Cacdac Jr. na naaresto ng mga tauhan ng ahensya si Eun Sun Woo sa Malate, Manila noong Mayo 28 sa labas ng isang kilalang casino.

Dagdag ni Cacdac na may nagbigay sa kanila ng tip kung nasaan ang Koreano, na nagresulta sa kanyang pagkakadakip.

Aniya lumapit ang isang tauhan ng PDEA kay Woo at inimbitahan siya sa opisina ng ahensya kaya naman kumaripas ng takbo ang Koreano.

Nakorner si Woo sa harap ng isang hotel matapos ang nangyaring habulan.

Nahatulan ng tatlong-taong pagkakakulong si Woo sa kanyang bansa noong Marso 20, 2009 dahil sa paglabag sa Control of Narcotics.

"Mr. Eum has been convicted on March 20, 2009 for violation of the Act on the Control of Narcotics in South Korea and sentenced to three years imprisonment at The Korean Correctional Service in Gonju," pahayag ni Cacdac.

"He admitted that he violated Philippine Immigration Laws but denied any wrongful act he committed in South Korea. He even tried to bribe the PDEA agents whom he mistakenly identified as Immigration Officers in order to evade arrest," dagdag ng pinuno ng PDEA.

Hiniling ni Park Yongjeung ng Second Secretary and Consul of the Embassy of the Republic of Korea na makulong si Woo sa Immigration Detention Facility sa Bicutan, Taguig upang maasikaso ang pagpapauwi nito at sa South Korea upang doon tuluyang makulong.

ARTURO CACDAC JR.

CACDAC

CONTROL OF NARCOTICS

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

EUN SUN WOO

IMMIGRATION DETENTION FACILITY

IMMIGRATION OFFICERS

KOREAN CORRECTIONAL SERVICE

KOREANO

MR. EUM

SOUTH KOREA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with