Bentahan ng tiket para sa 1st NBA game sa Pinas sa Hunyo 16

MANILA, Philippines – Sa Hunyo 16 na sisimulan ang pagbebenta ng mga tiket para sa NBA Global Games Philippines 2013, pahayag ng SM ngayong Biyernes ng umaga.

Ang mga koponan na magbabanggaan sa unang laro ay ang Houston Rockets at Indiana Pacers.

Inanunsyo ng matataas na opisyal ng SM sa halftime ng Miami Heat-Indiana Pacers East finals Game 5 viewing party na magsisimula sa P550 ang presyo ng tiket.

Maaaring bumili muka alas-10 ng umaga ng Hunyo 16 at maaari rin itong makuha ng online sa www.smtickets.com.

Ito ang unang beses na magdaraos ng NBA pre-season game sa Pilipinas at sa Southeast Asia na gagawin sa Mall of Asia Arena.

Pangungunahan ang laro nina NBA All-Star at All-NBA selection James Harden ang Rockets kasama pa sina Jeremy Lin at Chandler Parsons. Pagbibidahan naman nina NBA All-Stars Paul George at Roy Hibbert ang Pacers.

Show comments