MANILA, Philippines - Naghayin ng petisyon ang natalo sa pagka-alkalde na si Ma. Rebecca Carissa “Rica†Tiñga sa Commission on Elections (Comelec) upang magdeklara ng "failure of elections" sa lungsod dahil sa umano'y malawakang dayaan at kapalpakan sa eleksyon.
Sinabi ni Maria Bernadette Sardillo, abogado ni Tiñga na naghayin ng petisyon kontra kay Mayor-elect Lani Cayetano at Taguig City Board of Canvasers, na nais nilang maglabas ang Comelec ng resolusyon upang ideklara ang failure of elections sa lungsod ng Taguig para sa posisyon ng pagkaalkalde, ipawalang bisa ang pagkapanalo ni Cayetano, at magdeklara na magkaroon ng special elections sa pagkaalkalde.
Sinabi ni Sardillo na ang sentro ng kanilang petisyon ay ang talamak na paggamit ni Cayetano ng pre-shaded na balota ng Precinct Count Optical Scan (PCOS) machines.
Ayon kay Sardillo nasaksihan nila kung paano ibinigay ang pre-shaded na balota sa mga botante sa iba't ibang clustered precints sa mga barangay. Dagdag ni Sardillo na nangyari ang dayaan sa 28 barangay sa Taguig.
“With all the BEIs (Board of Election Inspectors), the school principals, the DepEd Division personnel, the Comelec support staff and poll technicians forming an unholy alliance and conspiring in the colossal fraud, the massive use of the pre-shaded ballots was executed with amazing speed and ease,†sabi ni Tiñga sa petisyon.
Sinabi pa ni Sardillo na nakita nila ang mga balota na may nakaitim na sa pangalan ni Cayetano para sa pagkaalkalde, Ading Cruz para sa pagkabise-alkalde, at Lino Cayetano bilang kinatawan ng ikalawang distrito.
Mapapatunayan ang umano'y dayaan sa resukta ng eleksyon kung saan nananlo ang 17 sa 20 tropa ni Cayetano na may malalaki pang lamang kahit mababa ang turnout ng mga botante, dagdag ni Sardillo.
“Sadly, the mayoralty elections in the City of Taguig do not embody the true will of the electorate. Respondent Cayetano was elected as mayor, but not through the expression of the popular will of the electorate,†nakasaad sa petisyon.