Miyembro ng Nudalo drug group tiklo sa Cebu

MANILA, Philippines - Tiklo ang isang hinihinalang miyembro ng kilabot na drug group sa Cebu City sa mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sinabi ni Arturo Cacdac Jr, hepe ng PDEA, na nasakote si Hubert Villacarillo na hinihinalang miyembro ng Nudalo Drug ring noong Mayo 24 sa isang buy-bust operation.

Nakuha ang dalawang pakete ng shabu mula kay Villacarillo na nahuli sa aktong pagbebenta ng droga sa isang undercover agent ng PDEA sa kanto ng F. Villa at T. Padilla Streets sa Cebu City.

Nasabat mula sa suspek ang 15 pang pakete ng shabu na may bigat na 50 gramo.

Show comments