MANILA, Philippines - Siyam na katao ang sugatan matapos tumagilid ang isang pampasaherong bus ngayong Huwebes sa kahabaan ng North Luzon Expressway sa Bulacan.
Ayon sa ulat, kaagad isinugod sa ospital ang mga biktima na pawang pasahero ng tumagilid na Partas bus.
Tinatahak ng bus ang southbound lane ng expressway sa bahagi ng Bocaue, Bulacan bandang 7 a.m. nang madaanan nito ang isang rampa kaya ito tumagilid.
Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang aksidente.