Walang 'alternative fishing grounds' sa bansa - grupo
MANILA, Philippines – Sinabi ng grupo ng mangingisda ngayong Miyerkules na wala namang alternative fishing grounds na sinasabi ng Malacañang na ibibigay nila sa mga apektadi ng tensyob sa West Philippine Sea.
Ipinapangamba pa ni Salvador France, Pamalakaya vice chairperson na plano pa ng gobyerno na magpatupad ng fish ban sa 10 sa 13 pangunahing pangisdaan sa bansa.
"The country with 7,101 islands and separated by bodies of water is the entire fishing area of 1.3 million fishermen. So what alternative fishing grounds Malacañang are referring to?" tanong ni France.
Aniya, plano ng Malacañang sa pamamagitan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na magpatupad ng nationwide fish ban.
Dagdag ni France na 10 sa 13 pangisdaan; Lingayen Gulf, northern Zambales, Visayan Sea, Camotes Sea, Honda Bay, Babuyan Channel, Lagonoy Gulf, Sorsogon Bay, Hinatuan and Dinagat Bay at Davao Gulf ay ipagbabawal upang bigyang daan ang stock assessment program ng gobyerno.
Kahapon ay sinabi ni Deputy spokesperson Abigail Valte na ibibigay ng administrasyon ang "alternative fishing grounds" upang mapangisdaan ng mga mangingisdang Pilipino.
Dagdag ni Valte na palalakasin pa ng gobyerno ang depensa ng bansa sa pinag-aagawang West Philippine Sea.
Sinabi pa ni Valte na patuloy ang hakbang ng gobyerno na "nonengagement policy" sa isyu ng West Philippine Sea. May mga nakakalat na barko ng Tsina sa nasabing katubigan at sinasamahan pa ito ng mga patrol vessels sa Ayungin Shoal.
Nauna nang nanawagan ang Pamalakaya kay Pangulong Benigno Aquino III na kasuhan ang Tsina sa United Nationa dahil sa pagmamatigas nila na manatili sa Ayungin Reef at Panatag Shoal na kapwa parte ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
- Latest
- Trending