Tulong ng Marines hiling ng mga residente sa Maguindanao
MANILA, Philippines - Humingi na ng tulong ang mga residente ng isang barangay sa Datu Blah Sinsuat, Maguindanao upang matigil na ang panggugulo ng isang armadong grupo sa kanilang lugar.
Namaril ang mga armadong kalalakihan sa isang bahay at nambugbog ng 18-anyos na anak ng isang kapitan ng barangay na ikinampanya si re-elected Datu Blah Sinsuat Mayor Marcial Sinsuat.
Nanalo si Sinsuat laban sa kanyang pinsan para sa kanyang ikalawang termino.
Nais ng mga apektadong residente na magtayo ng security detachment ang Marines sa kanilang lugar upang mapigilan ang pag-atake ng armadong kalalakihan.
Nanunuluyan ngayon ang mga apektadong residente sa isang gusali ng paaralan na malapit sa mga pulis at sundalo ng 1st Marine Battalion Landing Team.
Nandukot pa ng isang residente ang grupo na ginawa nilang 'guide' upang makatakas patungo sa liblib na barangay matapos ang insidente.
Sinabi ni Sinsuat na hinihimok siya ngnga residente na kumbinsihin ang First Marine Brigade, na nakabase sa bayan ng Kalamansig sa Sultan Kudarat, at Marine Battalion Landing Team 1 upang kaagad magtayo ng detachment sa Barangay Tambak.
Dagdag ni Sinsuat na kakausapin niya ngayong linggo ang inter-agency, multi-sectoral municipal peace and order council para matugunan ang problema sa seguridad sa Barangay Tambak.
- Latest
- Trending