P15-M hingi ng kidnappers ng boat master sa Zamboanga

MANILA, Philippines - Humihingi ng P15 milyon ang grupong dumukot sa kapitan ng isang barkong pangisda sa Sulu.

Sinabi ng mga kamag-anak ng biktimang si Lucio Gonzales na tinawagan sila ng mga kidnaper nitong Miyerkules ng gabi at hiningi ang nasabing halaga.

Dinukot ng armadong kalalakihan ang maestro patron na si Gonzales ng GMA at AMR fishing companies nitong Martes ng 15 armadong kalalakihan sa karagatan ng bayan ng Lantawan sa Basilan.

Pinaniniwalaan ng mga awtoridad na dinala si Gonzales ng mga kidnaper sa Sulu.

Samantala, hindi pa naman nakukumpirma ng Basilan Provincial Police Office ang ransom money na hinihingi ng mga kidnaper.

Show comments