Lady bank manager utas sa Maynila

MANILA, Philippines - Utas ang isang babaeng bank manager sa pananambang sa Maynila ngayong Huwebes ng umaga.

Ayon sa mga pulis, papasok ng opisina ang biktimang si Rose Marie Gatan sa Bank of the Philippine Islands-Taft Avenue branch nang tambangan siya ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo sa kanto ng Apacible Street.

Kahit sugatan nagawa pang makapagmaneho ng biktima palayo sa lugar kung saan siya tinambangan. Tumigil ang sasakyan ng biktima nang bumangga ito sa isang poste sa harap ng tanggapan ng National Bureau of Investigation.

Kaagad naisugod ng mga rumespondeng pulis ang biktina sa Manila Medical Center ngunit binawian din siya to ng buhay habang ginagamot ng mga doktor.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

Show comments