Dyip sumalpok sa kotse ng mayor sa Quezon; 7 sugatan
MANILA, Philippines - Pitong katao ang sugatan, kabilang ang isang alkalde sa probinsya ng Quezon, matapos salpukin ng isang pampasaherong dyip ang kanilang sasakyan nitong Martes ng gabi.
Nakilala ang mga biktima na sina Rodelo Torres Tena, 57, alkalde ng Jomalig, Quezon; asawa nitong si, Glori, 53; at anak nilang si Jeremiah, 16.
Kaagad isinugod sa Mt. Carmel General Hospital ang tatlo upang magamot.
Dinala naman sa Tayabas community hospital ang mga pasahero ng dyip na sina Neri Uy Tan, 70; Reyman Jader Roxas, 21; Avelina Zafra Quinsanos, 64; at Celia Ranillo Bandong, 60.
Base sa inisyal na imbestigasyon, humaharurot ang dyip na minamaneho ni Joselito Jacela Natay, 46, sa national road sa Barangay Wakas, sa lungsod ng Tayabas nang mawalan ito ng preno bandang 7:20 ng umaga.
Nawalan ng kontrol ang dyip at dumiretso sa kabilang lane bago nabangga ang kasalubong na sasakyan ni Tena.
- Latest
- Trending