^

Balita Ngayon

Babae nanganak sa LRT-Dorote Jose station

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang pasahero ng Light Rail Transit 1 (LRT1) ang nanganak sa loob ng tren ngayong Miyerkules ng umaga.

Sinabi ni Hernando Cabrera, tagapagsalita ng LRT, na lalaki ang anak iniluwal ng hindi pa nakikilalang bandang 6:25 ng umaga sa Doroteo Jose station.

Tinulungan ang nanganak na pasahero ng isang babaeng security guard at nars na si Maria Cecilia Lopez, na nagkataong sakay rin ng naturang tren.

Sinabi pa ni Cabrera na nasa maayos na kalagayan ang mag-ina.

Hindi naman naapektuhan ang operasyon ng LRT.

Mula noong taong 2000 hanggang 2012 ay umabot na sa 14 sanggol ang ipinanganak sa LRT 1, sabi ni Cabrera.

Aniya walo ang ipinanganak sa platform at ang anim ay sa loob ng umaandar na tren.

Ayon kay Cabrera, binibisita ng mga tauhan ng LRT ang mag-ina sa ospital.

"We usually bring flowers for the mother and token gift of diapers/feeding bottles sa baby," sabi ni Cabrera sa kanyang Twitter account.

vuukle comment

ANIYA

AYON

CABRERA

DOROTEO JOSE

HERNANDO CABRERA

ISANG

LIGHT RAIL TRANSIT

MARIA CECILIA LOPEZ

MIYERKULES

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with