^

Balita Ngayon

2 pang Pinoy inatake sa Taiwan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kinumpirma ni Manila Economic and Cultural Office (MECO) chairman Amadeo Perez na may dalawang Pilipinong inatakeng sa Taiwan gamit ang baseball bat.

Sa isang panayam sa radio, sinabi ni Perez na dalawang hindi pa nakikilalang Pinoy ang hinambalos ng baseball bat sa ulo at katawan ng mga miyembro ng gang.

Bukod pa ang nasabing insidente sa pag-atake kay Danilo Taperla nitong Biyernes.

"No one was killed, but three were beaten up so far," banggit ni Perez.

Dagdag ng opisyal ng MECO na mayroong ding insidente na pinasok ng mga miyembro ng Taiwanese gang ang dormitoryo na inookupahan ng mga Pinoy at pinagsasasaktan ang mga ito.

Aniya, nangyari ang mga pag-atake sa katimugang bahagi ng Taiwan sa may lugar ng Taichung at Kaohsiung.

Sinabi pa ni Perez na mataas talaga ang lebel ng karahasan sa dalawang lungsod.

Pinabulaanan naman ng Perez ang mga ulat na nakakaranas ng panghaharas ang mga empleyadong Pinoy sa mga katrabaho nilang mga Taiwanese.

Dagdag ni Perez na ginagawa ng Taiwan police ang lahat upang mapigilan ang pananakit sa mga Pinoy.

Nag-ugat ang gusot ng Pilipinas at Taiwan sa pagkamatay ng isang Taiwanese na mangingisda matapos barilin ng mga miyembro ng Philippine Coast Guard.

Sinabi pa ni Perez na handa sila sa pagpapauwi sa halos 80,000 Pinoy sa Taiwan sa oras na sumiklab pa lalo ang galit ng Taiwan sa mga Pinoy.

"We are ready, (but) that is the worst scenario, if our countrymen should be evacuated," pahabol ni Perez.

vuukle comment

AMADEO PEREZ

ANIYA

DAGDAG

DANILO TAPERLA

MANILA ECONOMIC AND CULTURAL OFFICE

PEREZ

PHILIPPINE COAST GUARD

PINOY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with